Tuesday, November 07, 2006

Parental Wisdom - Filipino Style?

I got this forward from a friend of mine [WAFFLES], and found it too funny and true to the culture. so Read on!

-------

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE :

"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC :

"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:

"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:

"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:

"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA :

"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:

"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:

"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:

" Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:

" Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY :

" Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION :

"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:

"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng DETERMINATION:

"Hanapin mo yung pinahahanap ko sa iyo, pag di mo nahanap, makikita mo!"

16. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR :

"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin k ita!"

17. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE :

"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

No comments:

Post a Comment